Pinalawak na AKAP Program: Suporta sa Edukasyon ng Senior High School Students

Lubos na pinagtutuunan ng pansin ang programang sumusuporta para sa mamamayan ng Ikaanim na Distrito ng Pangasinan sa ilalim ng pamumuno ni Rep. Marlyn Primicias-Agabas.

Ang bagong “Tulong Para sa Eskwela Program,” isang pinalawak na bersyon ng AKAP o Ayuda Para sa Kapos ang Kita Program ng pamahalaan na pinangungunahan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos at House Speaker Martin Romualdez, ay nagdulot ng malaking tuwa at pasasalamat mula sa mga magulang ng mga benepisyaryong Senior High School Students.

Ang paglunsad ng programang ito ay idinaos noong nakaraang Biyernes sa covered gym ng bayan ng Tayug, Pangasinan, na nagpakita ng suporta para sa edukasyon at kinabukasan ng mga kabataan.

Share this article

Join our newsletter

Stay connected and never miss an update! Subscribe to our newsletter for the latest stories, events, and inspiring content delivered straight to your inbox.

Your Ad Here
Ad Size: 336x280 px