Isang pambihirang tanawin sa kalangitan ang nasaksihan at nakunan ng larawan ng ating kabaleyan na si Mark Claudel Dumpit Arzadon mula sa Dagupan City noong Oktubre 13, 2024. Sa kanyang mga kuha gamit ang Sony A6000 18-55mm Lens at Nikon D3300 70-300mm Lens, malinaw na makikita ang kometang C/2023 A3 Tsuchinshan-ATLAS, isang celestial visitor na dumadaan lamang kada 80,000 taon!
Ayon kay Arzadon, “The best comet I’ve seen so far” na nakita niya mula sa Dagupan, na talaga namang nagbigay ng kakaibang ganda sa kalangitan. Ang kometang ito ay inaabangan ng maraming astronomers at sky enthusiasts dahil sa bihirang pagkakataong makita ito ng tao.
Ang tanong: Nakakita ka na rin ba ng ganitong kamangha-manghang pangyayari? Kung hindi, baka sa susunod pagkakataon mo na, wag nang hintayin ang 80,000 years !
PHOTO CREDITS: Mark Claudel Dumpit Arzadon