TAYUG, PANGASINAN — Pinangunahan ni Mayor Atty. Tyrone Agabas ang pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani sa Bayan ng Tayug. Ang paggunita ay hindi lamang para sa ating mga bayani mula sa kasaysayan, kundi pati na rin sa mga kapwa Tayugenians na ipinakita ang natatanging dedikasyon at serbisyo sa komunidad, na kinikilala ni Mayor Agabas bilang mga makabagong bayani.


