Bilang ng Nasawi sa Baha sa Espanya Umabot na sa 158: Isa sa Pinakamalalang Sakuna sa Europa

VALENCIA/GODELLETA, Spain – Umakyat na sa 158 ang bilang ng mga nasawi sa matinding flashflood sa silangang bahagi ng Espanya noong Huwebes, habang patuloy pa rin ang paghahanap ng mga rescue team sa mga nawawala sa sakunang ito na maaring ituring na pinakamalubha sa Europa sa mahigit limang dekada.

  Spain Flooding 

Ayon kay Angel Victor Torres, ministro na namamahala sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang rehiyon ng Espanya, “There’s a total of 158 people to which must be added dozens and dozens of missing.” Ito ay ibinahagi niya sa isang press conference. Ang trahedyang ito ay nagmarka bilang pinakagrabeng insidente dulot ng pagbaha sa kasaysayan ng modernong Espanya.

Spain Flooding

 

Sa loob lamang ng walong oras, bumuhos ang ulan na katumbas ng halos isang taon sa ilang bahagi ng rehiyon ng Valencia noong Martes. Ayon sa mga eksperto sa panahon, pinalalala ng tao ang climate change na nagiging sanhi ng mas madalas at mas mapaminsalang masamang panahon.

Noong 2021, hindi bababa sa 185 katao ang namatay dahil sa malakas na pagbaha sa Germany. Noong 1970, 209 katao ang nasawi sa Romania, habang noong 1967, halos 500 ang nasawi sa Portugal dahil din sa baha. Ang mga kasong ito ay nag-iiwan ng babala hinggil sa epekto ng pagbabago ng klima na nararanasan hindi lamang sa Espanya kundi pati na rin sa ibang bahagi ng Europa.

Share this article

Join our newsletter

Stay connected and never miss an update! Subscribe to our newsletter for the latest stories, events, and inspiring content delivered straight to your inbox.

Your Ad Here
Ad Size: 336x280 px