Sa Aklan- Ang Bagyong Kristine, na nagdulot ng Signal No. 1, ay nag-iwan ng malubhang pinsala sa isla ng Boracay, isa sa mga kilalang tourist destination sa Pilipinas. Dahil sa malalakas na bugso ng hangin at walang humpay na pag-ulan, ilang bahagi ng isla ay nakaranas ng matinding pinsala at pagbaha, na labis na nakaapekto sa mga residente at negosyo sa lugar.
Sa tindi ng hangin, nasira naman ang ilang straktura sa may Cagban port, sa isla ng Boracay kabilang ang bubong nito . Ilang e-trikes din ang di umano’y dinaanan ng buhawi sa may Hue Hotel, station X, dahilan para ito ay matumba, may naiulat din ang pagbagsak ng ilang puno sa lugar.
Sa gitna ng pagbaha, ilang tindahan sa D’Mall ang nananatiling bukas upang maglingkod sa mga turista at residente. Gayunpaman, ang Robinsons Supermarket ay pansamantalang isinara matapos pasukin ng tubig baha.
Patuloy ang pagbabantay ng mga awtoridad sa Boracay upang matiyak ang kaligtasan ng mga residente at turista sa gitna ng nararanasang epekto ng Bagyong Kristine.
Photo Credits: Westernpacificweather.com, Ben Balasador
Genlie Baliguat Servañez, Victor Jeffery