SAN QUINTIN, PANGASINAN — Nagkainitan sa isang komprontasyon si Councilor Farah Lee Lumahan at San Quintin Mayor Florence Tiu kaugnay ng Patubig Project ni Councilor Lumahan.
Sa video ng insidente, makikita ang mainitang usapan ng dalawa matapos diumano’y ipatigil ni Mayor Tiu at Former Mayor Clark Cecil Tiu ang nasabing proyekto. Ang pangyayari ay nagdulot ng pagkabahala sa komunidad at patuloy na sinusubaybayan ng mga residente ang pag-usad ng isyu.