San Quintin PNP Nananawagan sa Publiko kaugnay sa Insidente ng pagbabagbag sa Brgy. Mabini

SAN QUINTIN, PANGASINAN — Nanawagan si Police Captain Esteban Fernandez III, officer-in-charge ng San Quintin Police Station, sa publiko kaugnay sa naganap na insidente ng pagbababag sa provincial road sa Brgy. Mabini, San Quintin, noong Sabado.

Ang insidente ay nagdulot ng mainit na diskusyon sa pagitan nina SB Member Farah Lee Lumahan, Mayor Florence Tiu, at dating Mayor Clark Cecil Tiu. Sa kanyang pahayag, hinikayat ni Capt. Fernandez ang publiko na maging mahinahon at panatilihin ang pagkakaisa sa kabila ng mga kaganapang ito.

Hinihikayat din ng San Quintin PNP ang mga residente na makipagtulungan sa mga awtoridad at ipagbigay-alam ang anumang impormasyon na makatutulong sa paglutas ng insidente.

Share this article

Join our newsletter

Stay connected and never miss an update! Subscribe to our newsletter for the latest stories, events, and inspiring content delivered straight to your inbox.

Your Ad Here
Ad Size: 336x280 px